Sa ibinabang kautusan ng Office of the Ombudsman, inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang pagsibak kay Baao, Camarines Sur Mayor Melquiades Gaite.
Nag-ugat ang kaso ng alkalde sa pagpapaupa nito sa Lambert Consilidated Complex Development Corp., ang may 1,704 sqm na bahagi ng Baao public martket na hindi idinaan sa Sangguniang Bayan resolution.
Sinabi ng Office of the Ombudsman, nakasaad sa Local Government Code of 1991 na lahat ng kontrata na papasukin ng isang chief executive ay dapat may basbas o pahintulot ng Sanggunian.
Bigo din umano si Gaite na ipatupad ang provision ukol sa “goodwill money” sa pagpapaupa kung saan P25,000 dapat ang upa sa unang 10 square meter at P1,000 ang upa ng mga susunod na square meter kaya dapat P1.719 million ang binayaran ng kumpanya.
“Clearly, respondent committed a corrupt act that would classify his misconduct as grave,” ayon sa desisyon na inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Source: abante
Post a Comment
Post a Comment