0
ADS
Base sa kanyang personal na karanasan, sinabihan ni dating Sen. Jinggoy Estrada si Sen. Leila de Lima na nagsasayang lang ito ng oras sa plano na maghain ng mosyon sa korte upang payagan itong makadalo sa sesyon ng Senado.

Base sa kanyang personal na karanasan, sinabihan ni dating Sen. Jinggoy Estrada si Sen. Leila de Lima na nagsasayang lang ito ng oras sa plano na maghain ng mosyon sa korte upang payagan itong makadalo sa sesyon ng Senado.

Binanggit ito ni Estrada matapos mabalitaan ang plano ni De Lima na maghain ng petisyon sa Muntinlupa Regional Trial Court upang payagan itong makadalo sa sesyon ng Senado.

Ayon sa dating senador, minsan na rin niya itong ginawa bago matapos ang kanyang termino noong 2016 subalit hindi siya pinayagan ng Sandiganbayan na siyang dumidinig ng kanyang kaso.


“Nais ko lang ipaalam sa iyo, kung natatandaan mo pa, na ako rin ay gustong dumalo sa mga sesyon sa Senado noong bago n’yo lang ako ipinakulong. Naghain ako ng mosyon sa Sandiganbayan ngunit hindi ako pinagbigyan na makadalo sa huling araw ng sesyon ng Senado upang magpaalam sa aking mga kababayan at kasamahan sa Senado,” paglalahad ni Estrada sa kanyang Facebook account.

“Just an unsolicited advice to you Madam Leila, I don’t think you should push through with your plan of filing a motion before the court for you to attend the Senate sessions. That will prove to be an exercise in futility,” payo ni Estrada.
Source: wbp, abante
ADS
MGID

Post a Comment

 
Top