0
ADS
Guilty ang hatol ng Sandiganbayan laban sa dating alkalde ng isang bayan sa Iloilo dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng mini-market noong taong 2002.
Guilty ang hatol ng Sandiganbayan laban sa dating alkalde ng isang bayan sa Iloilo dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng mini-market noong taong 2002.

Sa inilabas na desisyon ng Fourth Division, pagkakakulong nang hanggang dalawampu’t apat na taon at multang 15,000 pesos ang kakaharapin nina dating Barotac Nuevo Mayor Pedro Hautea at Municipal Engineer Norman Lustria para sa three counts of falsification of public documents.

Pinagtibay ang kaso matapos ideklara sa project status report ang 100% completion ng Tinorian Mini-Market noong Disyembre taong 2000 hanggang Enero nang sumunod na taon, pero napag-alamang hindi pa pala ito natatapos.

Lumabas rin sa imbestigasyon na pineke umano nina Hautea at Lustria ang time book at payroll upang magbayad ng 20,780 pesos para sa labor at inamin ng mga naturang opisyal na taong 2002 na pala natapos ang proyekto.

Batay sa inspeksyon ng state auditors ay partially finished pa lamang ang proyekto noong Oktubre taong 2001.

Samantala, makukulong naman nang hanggang walong taon ang dating barangay chairman ng Tinorian na si Manuel Siaotong para sa one count of falsification at pinagbabayad ng 5,000 pesos.

Source: wbp, BN
ADS
MGID

Post a Comment

 
Top