Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tutuparin niya pa rin ang kanyang pangako na wakasan na ang kontraktuwalisasyon ngunit bigyan pa umano siya ng karagdagang oras.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa sa Lungsod ng Davao kahapon, sinabi ni Duterte na ipagpapatuloy niya ang paglagda sa executive order na makapagpapatibay sa pagbabawal ng 'endo'.
Nananawagan lamang umano siya ng karagdagang pasensya sa publiko at sapat na panahon para maisapinal na ang naturang EO.
Maliban pa rito, dinepensahan din niya si labor Secretary Silvestre Bello mula sa mga labor groups na nagnanais na patalsikin ang kalihim.
Ayon sa Pangulo, maging si Bello rin naman ay tutol talaga sa kontraktuwalisasyon.
Pangako niya, makatitiyak ang lahat ng mga mangagawa na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay makakamit nila ang sapat at disenteng employment.
Pagtitiyak naman ni Bello, sa oras na mapirmahan na ang bagong EO ay uumpisahan na nila ang paninita sa mga employer na lalabag dito.
Source
Post a Comment
Post a Comment