0
ADS
Dinala sa ospital ang aktor na si Gardo Versoza nang aksidenteng mabagok ang ulo habang nagta-taping ng Kapuso primetime series na "Destined To Be Yours."
Dinala sa ospital ang aktor na si Gardo Versoza nang aksidenteng mabagok ang ulo habang nagta-taping ng Kapuso primetime series na "Destined To Be Yours."

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing batay sa Instagram account ni Gardo, nahulog at humampas sa sahig ang ulo niya habang may eksena sila ng kapwa aktor na si Tommy Abuel.

Nagdilim daw ang kanyang paningin at nangamba na bago nagkaroon ng pinsala sa kaniyang bungo dahil sa insidente.

Dinala sa ospital ang aktor at sumailalim sa iba't ibang pagsusuri.

Lumitaw naman sa pagsusuri na walang pamumuo ng dugo sa ulo ng aktor pero nakararamdam pa rin daw ito ng kirot.

Nilinaw din ng misis ng aktor na hindi dugo, kung hindi props lang para sa taping ang nakita sa damit ni Gardo sa larawan na nakita sa IG post.

Maayos na raw ang lagay ng aktor at nagpapasalamat sa lahat ng nagdasal at nagpahayag ng pag-aalala.


Source: wbp, msn
ADS
MGID

Post a Comment

 
Top