Base umano sa naobserbahan ni Alejano nang magsagawa ng inspeksyon sa mga pabahay na kinubkob ng mga Kadamay members, may mga magagandang kagamitan at hindi naman halatang mahihirap o pobre ang mga nakatira rito.
“Sa aming pag-ikot, napansin namin na may isang unit na nakitaan namin ng flat screen TV, ang iba ay may panabong na manok, at kotseng naka park malapit sa bahay,” ani Alejano.
Ang mga nagra-rally naman aniya na pawang mga miyembro ng Kadamay ay naka-touch screen cellphones na ginamit umano nila habang sila ay nag-iikot kasama sina House committee on housing and urban development chairma Albee Benitez at Sen. JV Ejercito.
“Gabi-gabi daw ay parang may party sa loob ng housing projects. May malalakas na sound system at nagbobonfire ang mga miyembro ng KADAMAY,” ayon pa kay Alejano.
“Natatanong tuloy ang iba kung saan sila kumukuha ng pambayad sa mga sound systems,” dagdag pa ng kongresista.
Samantala, naghain ng resolusyon si Alejano para imbestigahan ng Kongreso kung tugma ang mga ginastos sa pabahay at kung hindi substandard ang mga units.
Post a Comment
Post a Comment