0
ADS
Muling na namang nadagdagan ang collection ng gold medals ng isang centenarian sprint matapos niyang magwagi sa 100-meter sprint.

Muling na namang nadagdagan ang collection ng gold medals ng isang centenarian sprint matapos niyang magwagi sa 100-meter sprint.
Kinilala ang 101 anyos na lola na si Man Kaur, na mag-isang tumakbo sa 100 years-and-over category para sa naturang sport sa World Masters Games sa Waitakere Trusts Arena athletics stadium sa Auckland, New Zealand.

Tinatayang nasa 1 minute at 14.58 seconds ang record ni Kaur at kanya rin pinasalamat ang mga taga-suporta niya habang pinaparangalan siya ng kanyang ika-17 gold medal.

Ayon kay Kaur, labis ang kasiyahan at enjoyment ni Kaur sa kanyang pakikilahok sa naturang palaro kaya naman hindi siya patuloy pa rin siyang tatakbo at sasali sa iba pang category tulad ng 200 meter sprint, javelin throw at shot put.

Nagsimulang sumabak sa athletic events si Kaur, walong taon na ang nakalilipas dahil sa impluwensiya ng kanyang 78 anyos na apo.


Source: WeBlogPh, BN
ADS
MGID

Post a Comment

 
Top