Sa ulat ng Reuters, sinabing nagtamo ng seryosong sugat sa braso si Lee De Paauw, 18-anyos, at kinailangang operahan sa Cairns Hospital.
Batay sa ulat, tumalon sa ilog si Paauw makaraang sabihin sa nakilalang turistang Briton na si Sophie Paterson, na mas malaki ang posibilidad na makain ng buwaya ang mga backpacker na kagaya ng dalaga kaysa sa katulad niyang Australian.
Para patunayan umano ang kaniyang sinabi, tumalon sa ilog ang binata at hindi nagtagal ay nasakmal na siya ng buwaya.
"At that point, I punched it in the snout," kuwento ni De Paauw habang nasa ospital. "My second hit, I got it straight in the eye, and then it let go."
Hindi naman nasayang ang ginawa ni De Paauw dahil napabilib nga niya ang dalaga.
"I think he's very brave to be, you know, in such high spirits after what happened," ayon kay Paterson, na pumayag na maka-date ang binata.
Nang tanungin si De Paauw kung ano ang masasabi niya sa kaniyang ginawa, tugon ng binata; ""Stupidity. You know there's crocs there."
SOURCE: GMA