Sa ulat ni Jette Arcellana sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Rochelle Jane Asuncion, ng Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa ama ng biktima na si Mang Romeo, dakong 9:00 am nitong Miyerkules nang umalis ng kanilang bahay ang biktima. Kinatanghalian, nakita ng mga kapitbahay ang biktima na inihatid ng dalawang lalaking nakamotorsiklo.
Dagdag pa ni Romeo, ikinuwento ng mga nakakita na idinadaing ng kaniyang anak ang ulo nito na masakit at nagsusuka hanggang sa mawalan ng malay at dinala na sa ospital.
Hinala niya, nilason o pinagamit na iligal na droga ang kanyang anak na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Malaki rin ang paniwala niya na ginahasa ang kaniyang anak dahil sa kaniyang nakita nang bihasan niya ito habang wala nang malay.
Sinabi naman ng pulisya na may tila "seminal fluid" na nakita sa underwear ng biktima na kanilang isinumite sa crime laboratory bilang bahagi ng imbestigasyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam din ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking naghatid sa biktima.
Isasailalim din sa awtopsiya ang bangkay ng dalagita.
SOURCE: GMA
Post a Comment
Post a Comment