Kalaboso ang isang graduating student matapos mahulihan ng baril sa isinagawang Oplan Bakal ng pulisya sa isang videoke bar sa Pasuquin, Ilocos Norte nitong Sabado ng gabi.
Nakilala ang suspek na si Mikko Bayle, 19 anyos at graduating marine engineering student.
Ayon sa pulisya ng Pasuquin, nagsagawa ang mga tauhan nila ng inspeksyon sa mga videoke bar sa buong bayan dahil maraming nagpupunta tuwing Sabado at Linggo.
Nakuha umano kay Bayle ang isang .22 na baril at isang bala.
Itinaggi naman ni Bayle na sa kanya ang naturang baril.
Sa kabila ng pagtanggi ng suspek, sasampahan siya ng lokal na pulisya ng kasong illegal possession of firearm sa piskalya.
Ayon kay Bayle, nalulungkot siya nangyari dahil graduation na sa kanilang eskuwelahan sa darating na Huwebes.
SOURCE: GMA
Post a Comment
Post a Comment