Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing pinagbabayad ng kabuuang P38.57 milyon ang aktor at ang kumpanya nito na R-Gutz Production Corporation.
Batay sa mga reklamo ng BIR na inihain sa Department of Justice (DOJ), hindi raw idineklara nang buo ng kumpanya ni Richard ang sales nito noong 2012 na aabot sa P39. 9 milyon.
Sa halip, umabot lang daw sa mahigit P300,000 ang idineklara nitong sales, base sa tax returns.
Lumitaw din umano na hindi nagsumite ang kumpanya ni Richard ng annual income tax return, second at fourth quarterly VAT returns noon ding 2012.
"As a consequence of their acts and omissions, R GUTZ and its President Richard Gutierrez were assessed an estimated aggregate deficiency tax liability for taxable year 2012 in the total amount of P38.57 million, inclusive of surcharges and interests," ayon sa BIR.
Samantala, sinabi ng kampo ni Richard na wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo ng BIR.
Sasagutin umano nila ang naturang usapin sa sandaling matanggap nila ito.
SOURCE: msn
Post a Comment
Post a Comment