ADS
Patay ang isang 75-anyos na lolo na kukuha lang ng kanin sa kaniyang bahay sa Cavite nang bigla siyang sugurin at pagtatagain ng kapitbahay na hinihinalang lango sa droga. Ang salarin, napatay ng mga rumespondeng pulis.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing napugutan dahil sa tindi ng pananaga ang biktiamng si Epifanio Grepo, residente ng Tanza, Cavite.

Kumukuha lang umano ng kanin ang biktima nang pumasok sa bahay ang salarin na si Rodrigo Tumangday at pinagtataga ang matanda.

Nang dumating ang mga rumespondeng mga pulis, nagpaputok din umano si Tumangday kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at napatay siya.

Nakuha umano kay Tumangday ang ginamit na bolo sa pagpatay kay Grepo at isang kalibre .38 na baril.

May nakuha rin umanong sachet ng hinihinalang shabu sa kaniyang damit at drug paraphernalia sa bahay.

Ayon sa asawa ni Grepo, lagi umanong naghahamon ng patayan si Tumangday.

Inamin naman ng ama ng salarin na gumagamit at nagtutulak ng droga ang kaniyang anak.






SOURCE: GMA
ADS
MGID
 
Top