Nauwi sa trahediya ang away-bata ng dalawang grade 5 pupil na lalaki sa isang paaralan sa Tanauan, Batangas nang masawi ang isa sa kanila dahil sa suntukan.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing nag-ugat ang away ng dalawang mag-aaral sa asaran, na humantong sa suntukan hanggang sa mabagok ang ulo ng biktima sa sahig.
Dinala ang biktima sa ospital pero kinalaunan ay binawian din ng buhay.
Pinag-aaralan pa umano ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng reklamo laban sa nakaaway nito.
Pero dahil menor de edad ang nakadisgrasya sa biktima, nasa pangangalaga siya ng local social welfare and development.
Wala pang pahayag ang pamunuan ng paaralan sa nangyaring insidente.
SOURCE: GMA