Natagpuan ang dalawang binti sa madamong bahagi ng Barangay Dakila sa Malolos.
Ayon kay Larry Martin, barangay tanod sa lugar, nagtatanung-tanong na sila sa mga kabarangay kung may nakakitang kahinahinalang mga tao na posibleng nagtapon ng mga binti.
"Sa ngayon po ay wala naman kaming natatanggap pa na report na kung may naghahanap... Nagtatanong pa kami paano ang nangyari," sabi ni Martin.
Iniimbestigahan pa ng Malolos City Police Station ang kaso.
Nasa Superior Funeral Homes sa bayan ng Plaridel ang dalawang binti.
SOURCE: GMA