ADS
Isang 29-anyos na lalaki sa Davao City ang dinakip ng mga awtoridad matapos isumbong ng kaniyang 14-anyos na hipag ng panggagahasa. Pero kinalaunan, pinayagan ding makalaya ang suspek.

Sa ulat ni Tek Ocampo sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernres, sinabi ng biktimang itinago sa pangalang "Kim," noong nakaraang taon pa raw nagsimula ang ginawang pang-aabuso sa kaniya ng kaniyang bayaw.


Nangyayari umano ang panghahalay sa kaniya sa loob mismo ng kanilang bahay. Pinakahuling nangyari umano ang pang-aabuso sa kaniya nitong nakaraang Enero 10.

Hindi raw nagawang lumaban o magsumbong ng biktima dahil banta umano ng suspek na gagahasain din nito ang nakababata niyang kapatid na 12-anyos.

Nang maikuwento ng biktima sa kaniyang guro ang sinasapit na kahalayan, ang guro na ang nagdala sa dalagita sa Davao City Social City Social Services and Development Office.

Dito na rin lang nalaman ng ina ng dalagita ang nangyari sa anak.

Kaagad namang dinakip ng mga pulis ang suspek pero kinalaunan ay pinakawalan din siya dahil wala pang kaukulang reklamo na naisasampa sa piskalya.

Itinanggi ng lalaki ang alegasyon ng kaniyang hipag, at tumanggi rin siyang humarap sa camera.
Payo naman ng pulisya sa pamilya ng biktima, magsampa na ng kaukulang reklamo para makapaglabas ng arrest warrant ang korte at maikulong.




SOURCE: GMA
ADS
MGID
 
Top