ADS
Hindi nagpasilaw sa pera ang isang senior citizen na taxi driver na humingi ng tulong sa GMA News para maibalik sa may-ari ang naiwang pitaka ng kanyang pasahero.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, nakatitiyak ang 60-anyos na driver na si Armando Tolilic, na ang unang pasahero niya ang nakaiwan ng wallet na may lamang ID at malaking halaga ng pera.
Inihatid daw niya nitong Sabado ng madaling araw sa NAIA Terminal 2 ang lalaking pasahero.

"Unang pasahero ko siya. Galing ako ng garahe kakapalit ko lang ng ka-partner ko noong madaling araw, 'di pwedeng sa ibang pasahero," kuwento niya.

Kahit senior citizen na si Mang Armando, patuloy pa rin siyang nagsisikap at nananatiling tapat sa kaniyang trabaho para sa kanyang mga anak at apo.

At pero kahit mahirap daw ang buhay, hindi siya nagpasilaw sa tukso.

"Kung 'di naman sa kanila [ang naiwan na bagay] eh kailangan pong i-surrender 'yon. Kasi mabigat sa kalooban ng isang tao na magdala ng hindi naman kanya, na pera o anumang gamit na 'di sa kanya," paliwanag ng tapat na driver.







SOURCE: GMA
ADS
MGID
 
Top