0
ADS
Papasok na rin sa larangan ng showbusiness ang presidential son na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Papasok na rin sa larangan ng showbusiness ang presidential son na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Makakasama si Baste sa isang eight-part adventure-travel-reality show na may titulong ‘Lakbai’ na ipapalabas sa TV5.

Sa launching ng naturang programa sa Taguig, inamin ng 29-anyos na bunsong anak na lalake ng pangulo na hindi na niya mapigilan ang tawag ng showbusiness kaya’t nagdesisyon na rin siyang subukan ito.

Nang alukin siya aniya ng ‘role’ sa naturang programa, ay agad niya itong tinanggap.

Kung hindi naman siya aniya palarin sa showbiz, ay maaari pa naman siyang umuwi n Davao, pahayag ni Baste.

Magiging tema ng ‘Lakbai’ ay ang ipakita ang magagandang lugar sa bansa na karaniwang hindi napupuntahan ng mga turista.

ADS
MGID

Post a Comment

 
Top