Naaresto ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buy-bust operation sa Maasin City, Leyte.
Kinilala ang suspek na si Rowel Adobas alyas Kimay, driver ng DPWH Southern Leyte office.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro LapeƱa, dinampot ang suspek matapos nitong bentahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang isang PDEA agent na nagkunwaring buyer.
Pitong sachet pa ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula kay Adobas.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Source: ( ABS-CBN )
Post a Comment
Post a Comment